JM de Guzman, dinepensahan si Barbie Imperial sa basher

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2018 11:25 AM

MANILA -- Dinepensahan ni JM de Guzman si Barbie Imperial laban sa isang basher.

Ito ay matapos mag-post ang basher tungkol sa itsura ni Barbie at sinabihan pa ang aktres na "trying hard."

"Umayos ka iha... mali yan," ani JM sa basher.

Nagkasama sina JM at Barbie sa sikat na seryeng "Araw Gabi" at kahit tapos na ang proyekto ay aminado ang dalawa na naging malapit sila sa isa't isa.

Si JM ang bida sa pelikulag "Kung Paano Siya Nawala" na ipapalabas na sa mga sinehan, samantalang si Barbie ay bida sa "Wansapanataym Presents: Switch Be With You."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.