Coco Martin, nagpahayag ng suporta sa relasyon ni Vice kay Ion

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 12:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

MAYNILA --- Nagpahayag ng suporta ang aktor na si Coco Martin para sa kanyang kaibigang si Vice Ganda na masaya ngayon ang buhay pag-ibig sa piling ni Ion Perez.

"Siyempre sobrang saya ako para sa kanya," ani Coco sa panayam ng Push.

"Alam niyo naman ang hinahanap lang ni Vice ay 'yung magmamahal lang sa kanya, 'yung totoong magmamahal sa kanya, kasi nasa kanya na lahat. Wala nang hihilingin 'yan sa buhay eh. Maayos na rin 'yung family niya, nagmamahalan sila, healthy si Tita. Ang kulang na lang talaga ay 'yung magpupuno sa puso niya at nahanap na niya ngayon kaya sobrang proud ako sa kanya at masayang-masaya ako ngayon dahil sobrang saya niya ngayon," ani aktor.

At kung tatanungin naman kung nakilala na niya ng personal si Ion: "Hindi pa eh, hindi pa kami nakapag-meet [ni Ion]. I'm sure si Vice ayaw niya ipa-meet sa akin 'yun. Kasi dati 'pag may boyfriend 'yan, lagi kong inaaway, kasi siyempre lalaki ako eh, siguro dahil mahal ko siya, alam mo iyon. 'Yung pagiging kaibigan mo bilang lalaki pino-protektahan mo siya ayaw mo siyang lolokohin, pagsasamantalahan," tugon pa ng aktor.

Kampante rin ngayon daw si Coco sa mga positibong bagay na naririnig niya mula kay Ion.

"Sa mga naririnig ko, sa mga nababalitaan ko, napakabait ni Ion. Natutuwa ako na nakahanap na rin siya sa wakas ng nagpapasaya sa kanya at nagmamahal ng totoo," pahayag pa ni 
Coco.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.