Gerald Anderson, Ronnie Alonte excited sa 'Kapamilya Playoffs' sa Taiwan

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2018 07:06 PM | Updated as of Sep 08 2019 03:22 PM

Magsasanib-puwersa sina Gerald Anderson at Ronnie Alonte para sa isang espesyal na basketball tournament sa Taiwan na inorganisa ng ABS-CBN Events. 

Kasama sa makakaharap nila sa torneyong "Kapamilya Playoffs" ang isang all-Filipino team na nananatili roon. 

"Exciting... Talagang palaban sila. Alam nating magiging exciting ito," ani Anderson habang nasa ensayo. 

Sabik din si Alonte dahil makakapaglaro siya sa Taiwan sa unang pagkakataon. 

Watch more in iWant or TFC.tv

“First timer ako dito sa Taiwan eh. First time akong maglalaro ng out of the country kaya excited na ako,” aniya. 

Kinakabahan naman siya dahil sa iniindang anterior cruciate ligament (ACL) injury, na ooperahan pagkabalik galing Taiwan. 

Kakampi rin ng dalawang aktor sina Zeus Collins, Axel Torres, Vin Abrenica, Joe Vargas, at Jose Sarasola sa exhibition game na gaganapin sa Nobyembre 18. 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.