PANOORIN: Marvin, dumalo sa surprise party para kay Jolina

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 12:05 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANIILA -- Isang surprise party para kay Jolina Magdangal ang inihanda ng kanyang mga kaibigan at asawang si Mark Escueta.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ipinalabas ang mga kaganapan sa surprise party para sa aktres na nagdiwang ng kanyang ika-40 kaarawan nitong Martes, Nobyembre 6.

Kabilang sa mga nakisaya sa kanyang kaarawan ang mga kaibigang sina Nyoy Volante, Nikki Valdez, at Marvin Agustin.

Naroon din ang kanyang mga co-host na sina Melai Cantiveros at Karla Estrada.

Pag-amin ni Jolina, hindi niya natunugan na may sorpresang inihanda para sa kanyang kaarawan.

Sa "Magandang Buhay" ay una nang ipinagdiwang ni Jolina ang kanyang espesyal na araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.