PANOORIN: Pasilip sa housemates ng 'Pinoy Big Brother: OTSO'

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2018 08:51 PM

Sa unang pagkakataon, ipinasilip ng "Pinoy Big Brother" ang bagong batch ng mga housemate na papasok sa tanyag na Bahay ni Kuya para sa ikawalong season ng programa.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dumaan sa matinding screening ang walong housemates na humarap sa panel na kinabibilangan ng direktor ng programa at ABS-CBN TV Entertainment head Lauren Dyogi, at ABS-CBN Chief Operating Officer for broadcast Cory Vidanes.

Kabilang ang isang musikero, isang atleta at isang heartthrob sa mga housemate na lalahok sa "Pinoy Big Brother: OTSO," na aarangkada sa Sabado, Nobyembre 10.

May nakapasa rin sa mga audition sa mga lalawigan at mula sa ibang bansa na handa na raw sumabak sa mga hamon ni Big Brother.

Pagpapakatotoo naman ang payo sa mga bagong housemate nina "Pinoy Big Brother: Lucky 7" big winner Maymay Entrata at 4th big placer Edward Barber.

"Huwag na huwag niyong walain kung sino talaga kayo, kung alam niyo namang tama kayo, magpakatotoo lang kayo," ani Entrata.

"Show yourself, be who you are and you'll get far not just in the competition but in life," sabi naman ni Barber.

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.