'For Mindanao': Moira dela Torre, naging barista sa kanyang birthday

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 12:02 PM | Updated as of Nov 06 2019 12:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Naging barista for a day ang singer-composer na si Moira dela Torre.

Sa kanyang 27th birthday party noong November 4, nagsilbing barista si Moira sa isang branch ng milk tea at coffee shop sa Makati para makalikom ng pondo at makatulong sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na lindol sa Mindanao.

Sa kanyang Facebook post, nanawagan si Moira sa sinumang nais mag-donate ng kahit anong halaga para sa mga naapektuhan ng lindol bilang pa-birthday sa kanya.

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 6, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.