Ano ang naramdaman ni Regine Velasquez sa reunion nila ni Ariel Rivera sa 'ASAP'?

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2018 05:13 PM | Updated as of Nov 05 2018 08:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isa si Regine Velasquez sa nagpaabot ng kanyang kasiyahan para sa naging espesyal na tribute ng "ASAP" sa singer na si Ariel Rivera.

Kuwento ni Regine, deserve ni Ariel ang mabigyan ng pagkilala sa kanyang naging ambag sa OPM.

"I’m happy that they did that tribute for him. He deserves it, at saka ang dami niyang kanta na alam natin, naging theme song din natin," ani Regine sa ABS-CBN news.

At kung tatanungin naman ang kanyang naramdaman sa naging duet nila ng ex na si Ariel sa stage, sagot niya: "Wala naman (laughs) baklang 'to..."

Aniya, mas natatawa siya sa naging reaksyon ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Nakakatawa 'yung asawa ko. Nung kumakanta kami andon kasi siya sa may bandang dulo tapos kunwari nagseselos-selos siya, nakakatawa," masayang sabi pa ni Regine. 

Sa darating na November 18, opisyal nang mapanood si Regine sa "ASAP" bilang isa sa mga regular performer sa longest-running musical variety show ng ABS-CBN.

Sa ngayon, todo na ang paghahanda ni Regine sa nalalapit na concert sa "Regine at The Movies" na gaganapin sa darating na November 17, 24 and 25 sa New Frontier Theater sa Cubao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.