Paula Peralejo, wala na bang balak magbalik-showbiz?

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2019 05:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Mas masaya na malayo sa showbiz ang dating Kapamilya star na si Paula Peralejo na ngayon ay isang full-time nanay sa kanyang nag-iisang anak.

Kuwento ni Paula sa isang panayam, mas gusto niya na pagtuunan ng pansin ang kanyang sariling negosyo at tutukan ang paglaki ng kanyang anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paula Peralejo-Fernandez 🇵🇭 (@mama_the_explorer) on

"Right now, I'm a full-time mommy, while I have jobs on the sideline, I have social media work, I still have travel agency but mostly I'm full-time mama," aniya.

Binalikan rin ng dating Kapamilya star ang dahilan kung bakit tuluyan niyang tinalikuran ang kanyang trabaho bilang isang artista.

"I wanted to go back to school. So I went back to school while I'm still in showbiz, pero alam mo naman ang schedule ng showbiz. Nag-aabsent rin ako ng absent tapos nahihiya na ako sa teachers ko although they were super nice and understanding. So bakit pa ako bumalik ng school kung absent rin naman ako ng absent. So I quit showbiz and went back to school," sabi pa ni Paula.

Dahil matagal nang nawala sa showbiz, aminado ang dating "Tabing Ilog" star na hindi na niya na-mimis ang showbiz.

"Hindi talaga, hindi. Pero 'yung mga tao, siyempre, of course. Pero 'yung buhay, mas gusto ko talaga 'yung buhay ko ngayon," aniya.

At kahit na hindi na aktibo sa showbiz, patuloy pa rin ang komunikasyon ni Paul sa mga dating kasamahan sa “Tabing Ilog.”

"Meron kaming Viber group. Minsan 'pag may mga birthdays, kumustahan, but not really like nagkikita in a long time," kuwento niya.

Sa usapin naman ng pagkakaroon ng reunion project ng mga bumida sa "Tabing Ilog," hindi rin isinasara ni Paula ang posibilidad na ito.

"Ang hirap, hindi ko pa po alam. Wala pa naman lumalapit sa akin," ani Paula. "Hindi ko pa alam, depende muna sa gagawin siguro kung isang madalian na ano lang, pero kung kunwari it's a long-term commitment, I'd rather focus on my son muna." 

Ayon pa kay Paula: "Hindi ko nami-miss 'yung halos 24 hours ka na nagti-taping, shooting, pictorial, ganyan. Masarap ang tulog ko ngayon." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.