Jona, may espesyal na kahilingan sa kanyang kaarawan sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2019 03:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pagtulong sa mga abandonadong hayop ang naging tema ng kaarawan ng singer na si Jona sa "ASAP Natin 'To" nitong Linggo.

Kasama ang kapwa pet lover na si Gladilyn Moreno at ang Advent Euphonic Chorale, nanawagan si Jona sa mga nais mag-ampon ng mga hayop.

"Siguro kaya malapit na malapit po ang puso ko sa kanila kasi ayun na po ang aking advocacy... Through our music and talent, ayun na rin ang parang nagiging tulong natin sa mga walang boses po na kawawang hayop sa daan," pahayag ng singer sa "ASAP"

"Instead of buying sa mga shops, sana po talaga napakaraming helpless na animals sa daan, please adopt na lang po and don't shop."

Isa rin sa birthday wish ni Jona ang pagkakaroon ng lugar sa para sa kanyang mga na-rescue na abandonadong aso at pusa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.