Ilang Kapamilya stars 'nagmodelo' para sa Maranao weavers

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2018 09:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinida ng ilang Kapamilya celebrities ang iconic image ng Sarimanok sa isang clothing line na magsisilbing fundraiser para sa mga Maranao weavers ng Marawi City.

Parte ito ng isang collaboration sa pagitan ng isang fashion magazine, clothing brand, at Department of Trade and Industry (DTI).

Layon nitong makalikom ng pera para sa mga taga-Marawi.

Ayon kay Amina Rasul ng grupong Magbassa Kita Foundation, dumulog ang kaniyang organisasyon sa DTI para simulan ang proyekto.

"Baka kako puwede na we have a livelihood that is sustainable and preserves arts, crafts, and culture," aniya.

Kasama sina Maymay Entrata, Edward Barber, Nadine Lustre, JM De Guzman, Raymond Gutierrez at iba pang bituin sa mga bumida sa campaign.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.