Inigo Pascual nakakita umano ng doppelganger

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2016 11:39 AM

Hindi naniniwala sa kwentong katatakutan si Iñigo Pascual pero nung siya na mismo ang naka-experience nito hindi niya daw makakalimutan ang detalye ng bawat pangyayari.

Isang doppelganger o multo na nanggagaya ng itsura ang gumaya sa anyo ng kanyang tita na kasama nila sa bahay.

"Weird lang pero hindi ko alam kung nananaginip ako or anything pero sobrang vivid siya sa isip ko na I followed someone into our house, my tita, the way she dressed up Pero hindi ko o nakita ang mukha, I'm following her from the back," ani Iñigo.

Walang kaalam-alam si Iñigo at sinundan pa ang kanyang tita sa silid nito.

"She went to the room of my tita. Tapos pumunta ako sa banyo, pero talagang sumusunod ako sa kanya. Tapos sabi ko I'll just go to the restroom kasi magkatabi lang yung banyo at room ng tita ko, pagpasok ko sa room ng tita ko wala siya doon," ayon sa aktor.

Laking gulat ng aktor nang mawala ang kanyang kasama sa bahay na ka-anyo ng kanyang tita.

"Tapos tinanong ko si mommy nasaan si Tita, sabi niya wala pa, nasa trabaho pa daw," ayon kay Iñigo.

Hindi na naulit ang experience na ito ni Iñigo sa doppelganger at nag-alay siya ng panalangin para matahimik ang ispirito na sumusunod sa kanya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.