Pokwang, aminadong pressured na makalaban sina Coco Martin, Vice Ganda sa MMFF

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 03:52 PM | Updated as of Oct 30 2019 05:58 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

MANILA -- Inamin ni Pokwang na pressured siya dahil makakatapat ng pelikula nila nina Vic Sotto at Maine Mendoza na "Mission Unstapabol: The Don Identity" ang mga pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin sa paparating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

"Ang plastik ko naman kung sabihin kong hindi (ako pressured). May Vice Ganda ka diyan, may Coco Martin, pressure 'yon. Pero isipin mo na lang marami kang mapapasaya lalo na 'yung mga bata, hindi ba?" ani Pokwang.

Ito ang pangalawang beses na makakasama ni Pokwang si Vic matapos silang nagkasama sa pelikulang " Pak! Pak! My Dr. Kwak!" noong 2011.

Kuwento ni Pokwang, masaya ang ginawa nilang shooting para sa bagong pelikula kasama ang Prinsipe ng Komedya. 

"Ang saya-saya lang. Alam mo si Bossing napaka-generous na tao. Napakagaan katrabaho at marunong silang mag-adjust kasi alam mo naman ang schedule ng mga artista. Give and take lang. Ang sarap nila katrabaho," ani Pokwang.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.