'Tirahin mo na si Gretchen': Daisy Romualdez, hinamon si Annabelle Rama

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2019 02:58 PM | Updated as of Oct 29 2019 06:55 PM

MAYNILA -- Tila hindi pa rin magtatapos ang gulo sa pagitan nina Annabelle Rama at Gretchen Barretto matapos ang naging pasaring ni Gretchen kay Ruffa Gutirrez sa kasagsasan ng gusot ng magkakapatid na Barretto.

Sa naganap na 67th birthday party ni Annabelle, tila naging biruan na ang pagkakadamay ni Ruffa sa patutsandahan ng magkakapatid na Gretchen at Marjorie sa social media.

Sa kuha ng entertainment columnist na si Allan Diones, tila pabirong hinamon ni Daisy Romualdez si Annabelle habang sila ay nagto-toast.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Huwag mo nang i-post ang ten-page letter mo, Ma. Peaceful na ang lahat," hiling ni Ruffa sa inang si Annabelle.

"Tapos na ang giyera, Ruffa," tugon ni Annabelle kay Ruffa. "Minsan lang ako magpo-post, tapos na."

"Tirahin mo na si Gretchen, 'day," hamon ni Daisy si Annabelle.

"Tapos na, 'day," masayang sagot ni Annabelle kay Daisy.

Sa naging panayam, sinabi ng ina ni Ruffa na ayaw na niyang pahabain pa ang gusot ng kanyang anak laban sa mga Barretto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.