Mga kaibigan ni Regine Velasquez, to the rescue laban sa basher

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2018 05:53 PM

MAYNILA -- Bumuhos ang suporta ng mga fans at kaibigan ni Regine Velasquez matapos niyang hindi nakapag timpi sa mga mapanirang pahayag ng isang netizen laban sa kanya.

"My dear magingat ka sa mga sinasabi mo," maikling pahayag lang ni Regine sa post.

Hindi naman nagpaawat si Regine sa paglalabas ng kanyang saloobin. Sa Twitter, ipinagpatuloy ni Regine ang paghahayag ng nararamdaman sa mga masasakit na salita na ibinabato sa kanya.

Samantala, ilan sa mga kasamahang singer sa Kapamilya network ni Regine ang nagpahayag din ng kanilang saloobin sa naging pang-ba-bash sa mang-aawit.

Kabilang dito sina Daryl Ong, Jed Madela, Yeng Constantino, Erik Santos at Angeline Quinto.

Hindi man napagilian ni Regine na maglabas ng saloobin, sa huli ipinagpasa-Diyos na lang niya ang mga nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.