Annabelle Rama, binalaan si Gretchen Barretto

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2019 06:25 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig) on

MAYNILA -- Tila hindi nagustuhan ni Annabelle Rama ang mga naging pasaring ni Gretchen Barretto sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kasunod ito ng hindi pa rin na natatapos na gulo ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.

Sa naging panayam ng entertainment columnist na si Allan Diones sa kaarawan ni Annabelle, sinabi niyang handa pa rin siyang giyerahin kung sino man ang kakanti sa kanyang mga anak. 

"It's not worth it. Pero 'pag lumalaban siya, continue pa rin ako. Hindi naman ako magpapa-under maski kanino, ano?" pahayag pa ni Annabelle.

Lahad pa niya: "Ayoko nang magsalita pa kasi tumahimik naman siya, e. Kung hindi siya tumahimik, mas mahaba pa ang sasabihin ko."

Bilang nanay, wala rin nakikita si Annabelle sa maling komento ng kanyang anak sa retrato sa Instagram ni Julia Barretto.

"Of course, pinagtanggol ko lang anak ko kasi wala naman siyang masamang comment against anybody. Sabi lang niya fresh, di ba?"

Ganun pa man, ayaw na raw pahabain pa ng ina ni Ruffa ang usapin ng gusot sa pagitan ng kanyang anak at sa pamilya ng mga Barretto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.