'Magpakataotoo ka lang': Maymay Entrata, ibinahagi ang sikreto nila ni Edward Barber sa pagpapaklilig

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2018 05:02 PM

MAYNILA -- Matapos ang matagumpay ng pelikulang "First Love" nina Bea Alonzo at Aga Muhlach, balik-pelikula muli ang Kapamilya heartthrob na si Edward Barber kasama ang kanyang on-screen partner na si Maymay Entrata.

Kabilang ang tambalang MayWard sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na "Fantastica" sa pangunguna ni Vice Ganda.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Edward Bar (@edward_barber) on

Sa naging panayam ng Push kay Maymay, ibinahagi nito ang numero unong sikreto nila sa pagbibigay-kilig ng on-screen partner.

"Dati pa namin sinasabi ito na magpakataotoo ka lang, tapos hindi mo kailangan i-push 'yung sarili mo para magpakilig. Parang natural na lang lalabas 'yun eh," sabi ni Maymay.

"Hindi mo kailangan ipilit 'yung sarili mo para maging iba ka sa iba. Maging ikaw lang din tapos lalabas lang din 'yung magic dun," dagdag pa ng Kapamilya star.

Ayon pa kay Maymay, hindi na kasama sa mga pinaghahandaan nila ang pagbibigay kilig sa kanilang mga tagahangga. 

"Hindi naman kailangan paghandaan talaga na kailangan ganito gagawin mo, hindi ganun. Parang kusa lang siyang lumalabas para mas maging natural," pahayag pa ni Maymay.

Sa darating na Disyembre 25, mapapanuod ang "Fantastica" na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.