Cha Eun Woo ikinuwento kung bakit malapit sa puso ang Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2019 03:44 PM | Updated as of Oct 27 2019 06:24 PM

Bumisita sa Pilipinas ang Korean singer-actor na si Cha Eun Woo para sa kaniyang fan meet noong Sabado. ABS-CBN

Inamin ng Korean singer-actor na si Cha Eun Woo na malapit sa kaniyang puso ang Pilipinas.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Cha, sinabi niyang malapit sa kaniya ang Pilipinas dahil dito siya nag-aral ng Grade 1 sa loob ng anim na buwan.

Watch more in iWant or TFC.tv

"I was in here in first grade, for study English, for six months I was in here," aniya.

"I'm close [to Filipinos]," dagdag niya.

Nagkaroon ng fan meet si Cha noong gabi ng Sabado sa New Frontier Theater sa Quezon City, kung saan pinakilig niya ang kaniyang fans lalo nang kantahin niya ang awiting "Kathang Isip" ng Ben&Ben.

Pinasalamatan din ni Cha ang Pinoy fans na sumusuporta sa kaniyang karera bilang aktor at miyembro ng boy group na Astro.

Nakilala si Cha bilang bida sa Korean drama na "Gangnam Beauty." -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.