VIRAL: Jericho, binalikan ang fan para magpa-picture

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2018 12:11 PM

MANILA -- Hindi makapaniwala ang isang tagahanga ni Jericho Rosales na babalikan siya ng aktor para ibigay ang kanyang hiling.

Sa Facebook page ng netizen na si Dennish Dianne Adriano, hiniling niya sa aktor na magpa-picture pero sinagot siya ni Jericho na "wait ate, may hinahanap lang ako na store."

Pag-amin ng netizen, inakala niyang masungit ang aktor dahil sa pagtanggi nito.

Pero pagkatapos ng halos kalahating oras, laking gulat niya nang balikan siya ng bida ng "Halik" at ayain na siyang magpa-picture.

Umabot na sa higit 300,000 ang nakakita ng retrato ni Jericho at ng kanyang fan.