'The Killer Bride': Camila, pinatigil na si Emma sa pagtulong sa kanya

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 11:02 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pinatigil na ni Camila (Maja Salvador) si Emma (Janella Salvador), ang kanyang anak-anakan, sa pagtulong nito para makamit niya ang hustisya.

Nitong Huwebes sa sikat na seryeng "The Killer Bride," sinabi ni Camila na delikado na ang buhay ni Emma dahil sa ginagawa nitong pag-iimbestiga para matulungan siya.

"Hindi siya titigil hanggang di ka niya napapatay, Emma. Nakita ko siya, kakalabitin na niya ang baril, kaya tumakbo ako sa iyo. Kaya siguro na tama lang na tumigil ka na. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, kailangan mo nang tumigil, Emma," ani Camila na isinakripisyo ang sarili para kay Emma nang barilin ito ni Juan Felipe (James Blanco) matapos silang magkita sa abandonadong gusali.

Naroon si Juan Felipe sa gusali para alamin kung sino ang totoong pumatay sa kanyang nobyo na si Ivan (Angelo Patrimonio). 

Doon ay nakita niya si Emma na nag-iimbestiga naman tungkol sa belladonna. 

Sa huli, nagdesisyon si Emma na ipagpatuloy ang sinimulan niyang pagtulong kay Camila.

“No. I still want to do this. I promise mula ngayon mas magiging maingat na ako. Pero Camila, sinimulan ko ito at nangako ako. Gusto ko siyang tapusin,” aniya.