Zephanie Dimaranan, nabago ang buhay dahil sa 'Idol PH'

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 06:10 PM | Updated as of Oct 21 2019 06:13 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zephanie (@zephanieodhene) on


MAYNILA -- Abala na ngayon sa paghahanda ang "Idol Philippines" champion na si Zephanie Dimaranan para sa kanyang unang solo concert.

Kuwento ni Zephanie, hindi niya inasahan ang malaking pagbabago sa kanyang buhay matapos ang "Idol Philippines." Una na rito ang pagiging regular na bahagi ng "ASAP Natin 'To."

Watch more in iWant or TFC.tv

"Marami po akong nakikilala na new friends dito sa industry and habang tumatagal po, mas nag-eenjoy po ako kasi dati iniisip ko lang; ngayon nakakamit ko na siya," tugon ng singer sa panayam.

"After ko po manalo sa 'Idol Philippines' sobrang dami na pong changes, lahat po 'yun sobrang positive. Ang dami ko na po nai-inspire na katulad kong dreamers, and mas nasi-share ko po 'yung talent na binigay sa akin ni Lord," sabi pa ni Zephanie.

Ibinahagi rin ng unang "Idol Philippines" winner ang kanyang unang ginawa matapos niyang makuha ang premyo mula sa Kapamilya singing search.

"Hindi ko na po matandaan, pero ang una po naming ginawa ay nag-celebrate po kami ng family ko," aniya pa.

Kung tatanungin naman ang kanyang biniling regalo para sa sarili, ayon sa singer, mas prioridad niya na ibahagi ito sa kanyang pamilya.

"Marami na po akong na regalo sa sarili ko," aniya.

Sa darating na Nobyembre 28, gaganapin ang concert ni Zephanie kung saan magiging special guest niya sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.