Jane De Leon, sinimulan na ang training para sa Darna

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 04:43 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon) on

MAYNILA -- Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ngayon ni Jane De Leon para sa kanyang nalalapit na paglipad bilang si Darna.

Kuwento ni Jane sa naganap na Star Magic Halloween party nitong Linggo, nagsimula na siya sa unang bahagi ng training. 

"For now I'm doing the fitness training, and next month I guess 'yung stunts na," aniya."So hindi ko pa nagagawa 'yung pinakamahirap na training."

Inamin rin ng bagong Darna na nasukat na niya ang kanyang gagamitin na costume. "Pero abangan natin 'yan," ani Jane.

Hindi rin niya itinanggi na nararamdaman na niya ang pressure sa kanyang gagawing proyekto.

"Pero normal naman na ma-pressure talaga, kasi kahit sino naman ang nandito sa posisyon ko po," paliwanag niya.

Kabado man, mas nangingibabaw pa rin daw ang kanyang pananabik para sa proyekto.

"Sobrang ready na talaga ako. Hindi ko naman ine-expect 'to and binigay sa akin ni Lord 'to and opportunity 'to, so bakit hindi ko tatanggapin," ani Jane.

"Kinakabahan ako but it's normal naman and ayun, gusto ko lang mapasaya ang mga tao," pahayag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.