Gretchen Barretto, naglabas ng bagong video laban kay Marjorie

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 01:11 PM

MANILA -- Hindi pa tapos si Gretchen Barretto sa paglabas ng kanyang panig sa nangyaring kaguluhan sa kanilang pamilya noong burol ng kanilang amang si Miguel Alvir Barretto.

Matatandaan na nauwi sa sagutan na umabot pa sa pisikalan ang naging komprontasyon ng pamilya sa pagdating ni Gretchen sa burol ng ama.

Sa Instagram nitong Linggo ng gabi, Oktubre 20, inilabas ni Gretchen ang isang video kung saan makikita ang naging pag-uusap nila ng Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagyakap niya sa nakaalitang ina na si Estrella "Inday" Barretto.

Kita rin sa video sina Marjorie at pamangkin nilang si Nicole.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Sa caption, binigyang diin ni Gretchen na makikita sa video ang galit ni Marjorie na katabi ang kanilang pamangkin na si Nicole. Binigyang diin din ni Gretchen ang presensiya ng Caloocan City congressman na si Recom Echiverri na nauugnay naman kay Marjorie.

"Watch Marj itch -- very fuming mad. The relatives were trying to calm her from her insanity. Now you know why I did not go to visit my dad in his last days. Marjorie will have an outburst in the ICU," ani Gretchen sa caption.

Sa post ni Marjorie sa Instagram noong Biyernes, sinabi nitong walang katotohanan ang inilabas na pahayag ni Gretchen sa media tungkol sa nangyaring kaguluhan sa burol ng kanilang ama.

Sa inilabas na pahayag ni Gretchen sa media noong Huwebes sinabi nitong hindi nagustuhan ni Marjorie ang naging pagtungo niya sa burol ng kanilang ama.

“It was all so nice until Marjorie had a nervous breakdown," parte ng pahayag ni Gretchen.

"But Marjorie was not happy that I was there to reunite with family,” dagdag na pahayag ni Gretchen.