Janno ipinagtanggol ang 'ober da bakod' ni Regine

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 06:11 PM | Updated as of Oct 19 2018 09:04 PM

Para kay Janno Gibbs, 'perfect timing' ang naging paglipat ni Regine Velasquez sa Kapamilya network. File Photo


Ipinagtanggol ni Janno Gibbs ang kontrobersiyal na paglipat sa Kapamilya network ni Asia's Songbird Regine Velasquez matapos ang ilang pagpuna ng netizens. 

Ayon kay Gibbs, na matagal nakasama ni Velasquez sa kabilang istasyon, tila "perfect timing" ang naging paglipat nito dahil nandito na rin ang kaniyang mister na si Ogie Alcasid.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Perfect ang timing, Ogie is here, mapapatawad mo na 'yon... Kung ano man ang mga rason for transferring, andu'n ang asawa niya eh," ani Gibbs. 

Samantala, sabik si Gibbs na maka-collaborate muli si Velasquez na ilang beses niya noon nakasama sa TV shows at pelikula.

"Before Ogie, ako ang ka-duet talaga ni Regine, magkasama kami kay Ronnie Henares, we did a movie together. Malaking part si Regine ng career ko," kuwento ni Gibbs, na ngayon ay parte na rin ng Star Music ng ABS-CBN. 

Samantala, nasa Australia na sina Velasquez at maraming iba pang Kapamilya stars para sa pagtatanghal ng ASAP sa Sydney. 

Makakasama ni Velasquez doon sina Piolo Pascual, na nauna nang nagpahayag ng kaniyang excitement na makatrabaho muli ang Songbird.

"Ilang taon ko nang inaantay 'yan, finally! I've worked with Reg. She's one of the nicest, kindest people in the industry, one of the greatest," ani Pascual.

Bukod kina Velasquez at Pascual, nasa Sydney na rin sina Toni Gonzaga, Gerald Anderson, Gary Valenciano, Daniel Padilla, Pia Wurtzbach, at marami pang iba. 

Gaganapin ang ASAP sa ICC Sydney Darling Harbour Theatre sa weekend.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.