Paano nakilala ni Karla Estrada ang kanyang bagong pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 11:40 AM

MAYNILA -- Sa unang pagkakataon, ibinahagi nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal kung paano nagkakilala ang host sa "Magandang Buhay" na si Karla Estrada at ang bagong pag-ibig nito.

Nitong Biyernes, ikinuwento nina Melai at Jolina na sa isang gastropub sa Tomas Morato, Quezon City kung saan mga part-owner sina Marco Gumabao, Barbie Imperial at Vice Ganda nagsimula ang relasyon ni Karla sa nobyo nitong itinago nila sa pangalang "Jam."

"Sa gabing puno ng tugtugan at tawanan, namataan si Karla sa mesang ito," ani Jolina na kasama si Melai na nagtungo sa nasabing lugar.

"At dito naman sa mesang ito nakaupo ang mabait at guwapong lalaki na itatago natin sa pangalang Jam. At ilang saglit pa ay tumayo sa kanyang kinauupuan at dumiretso sa direksiyon ni Momshie Karls," ani Melai.

"At diyan nagsimula ang kilig sa pagitan ng dalawa," dagdag ni Jolina.

Narito ang nakakatuwang pambubuking nina Melai at Jolina tungkol sa bagong pag-ibig ni Karla.

Watch more in iWant or TFC.tv