Maymay at Edward, hosts ng online singing show

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 12:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi makapaniwala sina Maymay Entrata at Edward Barber na sila ang magiging hosts ng first-ever na global singing search na "Star Hunt: The Global Showdown."

Kuwento ng MayWard, masaya at excited sila sa proyektong gagawin.

Ayon kay Maymay, online contest ito at live na mapapanood gamit ang isang mobile app.

Dagdag pa niya, okay sa kanila ni Edward ang online setup dahil mas kumportable sila rito.

-- Umagang Kay Ganda, Oktubre 19, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.