'Mas mature': LizQuen may patikim sa bagong teleserye

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 08:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang tatlong linggo sa bansang Croatia, bumalik na nitong Lunes sa Pilipinas sina Liza Soberano at Enrique Gil. 

Parte ang pangingibang-bansa nila sa taping ng "Make It With You," na unang teleserye ng loveteam matapos ang isang taon. 

Para sa kanila, iba ang pag-shoot ng nabanggit na serye. 

"This is something new to us! We're really excited because we haven't done a teleserye in more than a year now," pahayag ni Soberano. 

Si Cathy Garcia-Molina ang nag-direct ng serye. 

Para kay Garcia-Molina, akma sa istorya ang Croatia lalo't kailangan sa kuwento ang isang lugar na kaunti lang ang Pinoy. 

"To keep to its truth, dito (sa Croatia) tayo nagpunta. It's something new to the Filipinos also," ani Garcia-Molina. 

Mas mature na rin daw ang mga karakter ng LizQuen bilang sina Billy at Gabo. 

"My character is an OFW and we know the stories of how OFWs are so parang pagdaraanan niya lahat ng hirap na pinagdaraanan ng mga OFW," ani Soberano. 

May nakikita namang pagkakahambing si Gil sa kaniyang karakter na si Gabo. 

"There's really something with Gabo that strikes me and I really feel a connection with him. Iba yung tingin niya sa buhay iba perspective about life," ani Gil. 

Mapapanood ang teleserye sa 2020. 

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.