Claudine at Marjorie Barretto, bumisita na sa amang may sakit

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 01:02 PM

MAYNILA -- "Successful family meeting."

Ganito inilarawan ni Joaquin Barretto ang naging pagkikita ng kanyang mga kapatid na sina Marjorie at Claudine Barretto nang sabay itong bumisita sa kanilang ama na kasalukuyan ngayon nagpapagaling sa ospital.

Matatandaan na kamakailan lang, humingi ng panalangin si Marjorie para sa agaran na paggaling ng kanilang amang si Miguel Barretto.

Sa ilang Instagram post, ibinahagi ni Joaquin ang naging pagkikita nina Claudine at Marjorie.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joaquin Barretto (@jjbarretto) on

Kasama rin ni Marjorie sa kanyang naging pagbisita ang anak na si Julia Barretto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joaquin Barretto (@jjbarretto) on

Samantala, isa rin sa inaasahan ng mga fans ng magkakapatid ang pagbisita ng kanilang panganay na si Gretchen Barretto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.