Bea Alonzo, may tanong kay Pia Wurtzbach

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2018 03:12 PM | Updated as of Oct 17 2018 06:36 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- "Anong nangyari?"

Maikli pero makahulugan ang naging tanong ng aktres na si Bea Alonzo kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa "Tanong Mo, Mukha Mo" segment ng "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo ng gabi.

Kasunod ito ng hindi pa rin nasasagot na follow/unfollow issue ng dalawa matapos ang pelikulang "My Perfect You" kung saan nakasama ni Pia si Gerald Anderson na malapit naman kay Bea.

Hindi man nasagot ng malinaw ang kontrobersiya, tila naputol na ang konesyon ni Bea kay Pia na hindi pa rin nag-follow hanggang sa ngayon.

Unang nagkasama si Bea at Pia sa teen-oriented TV show na "K2BU" sa Kapamilya network noong 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.