Aga Muhlach, may alay na awit para kay Lea Salonga

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2018 04:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isang awitin ang inalay ng aktor na si Aga Muhlach para sa aktres na si Lea Salonga.

Sa naging guesting ni Aga at Bea Alonzo sa "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo para sa kanilang pelikulang "First Love," isa ang retrato ni Lea sa mga ipinakitang mga larawan sa "Tanong Mo, Mukha Mo" segment ng programa.

Gaya ng maraming mga fans na bitin sa tambalan nila Aga at Lea, sigaw din ni Bea ang muling pagsasama ng dalawa sa isang pelikula.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagsama sina Aga at Lea sa mga pelikulang "Bakit Labis Kitang Mahal" at "Sana Maulit Muli."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.