Unang sabak ni Sarah G sa Star Patrol, nag-trend sa Twitter

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2019 08:28 PM | Updated as of Oct 14 2019 10:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sa unang pagkakataon, sumalang si Sarah Geronimo sa paghahatid ng balitang showbiz bilang guest Star Patroller sa "TV Patrol."

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Nitong Lunes, naging isa sa nangungunang trending topic para sa Pilipinas ang #SarahOnStarPatrol sa social media site na Twitter. 

 

Abala si Geronimo sa appearances at promotion niya ng pelikulang "Unforgettable," maging sa kaniyang coaching stint sa The Voice Kids Season 4. 

Michael Bagtas, ABS-CBN News

Mapapanood sa mga sinehan ang "Unforgettable" simula Oktubre 23.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.