Andrea Brillantes, excited sa pagbabalik ni Albert Martinez sa 'Kadenang Ginto'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2019 11:34 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pinag-uusapan ang mga eksena ng teleseryeng "Kadenang Ginto" tuwing hapon.

Partikular na tinututukan ang pagbabalik ni Albert Martinez sa serye na ikinagulat ng mga sumusubaybay sa kuwento.

Para kay Andrea Brillantes na isa sa mga bida sa serye, pinag-usapan nila ni Francine Diaz ang pagbabalik ng veteran actor at naging emosyonal sila sa kuwentuhan.

"Sabi namin, eto na bumabalik na siya ihanda na natin ang mga luha natin kasi alam namin na magkakaroon ng maraming iyakan. So, excited ako. Sana sobrang excited din ang mga tao kasi ang tagal niyang nawala," ani Andrea.
 
Nagbigay update din si Andrea sa pagkakaibigan nila ng ka-tandem sa serye na si Seth Fedelin.

"Ever since noong na meet ko si Seth, parang never nagkaroon ng pressure kasi parang natural na lang 'yung chemistry namin noong na meet ko siya. 'Yung first-ever taping day namin sa 'Kadenang Ginto' naging close na kaagad kami kasi parang halos magkalapit lang 'yung ugali namin," ani Andrea.

At kung ano pa ang mga pasabog sa "Kadenang Ginto" na dapat kapitan ng manonood, ito ang sinabi ni Andrea: "Medyo nagkalayo kasi kami -- naging mahirap na si Marga at naging mayaman si Cassie so nasa mansion siya. At walang masyado Maxwell scene kasi nagfo-focus sa pagbabalik ni Robert."

Napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang "Kadenang Ginto" sa ABS-CBN pagkatapos ng "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.