Lambingan sa set ni JM at Barbie, mauuwi ba sa totohanan?

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 02:12 PM

MAYNILA - Hindi itinanggi ng mga bida ng katatapos lang na Kapamilya series na "Araw Gabi" na sina JM de Guzman at Barbie Imperial na naging close na sila ng tuluyan.

Kasunod ito ng mga maiinit nilang eksena na minahal din ng kanilang mga tagahanga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

"Hindi ko naman na dine-deny na when you're into the role, syempre attractive 'yung partner mo, so mahirap, hindi ko naman din sinasasabi na andoon na," ani JM sa naging panayam ng press.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Si Barbie naman inamin din na mas naging madali ang kanilang trabaho.

"Siguro, nakatulong yung matagal namin na pagsasama kaya medyo mas naging magaan lang ang lahat ng bagay sa amin," sabi pa ni Barbie.

Kung tatanungin naman kung kamusta na sila ngayon, ito lang ang tanging nasabi ni JM.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

"Basta masaya kami," nakangiting tugon ng aktor.

At sa pagtatapos ng kanilang programa, naniniwala din si JM na hindi na magbabago ang kanilang nabuong samahan bilang mabuting magkaibigan.

"Parehas din naman kami na hindi mahilig magplano ng mga bagay bagay kung ano yung bumagsak at dumating 'yun na yun" pahayag pa ni JM.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.