Kathryn, napaiyak sa concert ni Daniel

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 07:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi napigilang maluha ni Kathryn Bernardo matapos handugan ng awit ng katambal at nobyong si Daniel Padilla sa concert nito sa Araneta Coliseum noong gabi ng Sabado.

Napaiyak si Bernardo nang i-dedicate sa kaniya ni Padilla ang kantang "Just the Way You Are" ni Billy Joel kasabay ng isang video presentation.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

Ilang oras bago ang konsiyerto, nag-post si Bernardo sa Instagram ng retrato nila ng Padilla at nagpaabot ng mensahe: "Continue to inspire us through your music."

Ang concert ding iyon ni Padilla ang pagbabalik niya sa concert stage matapos ang tatlong taon.

Muli namang magiging abala si Bernardo sa pag-shoot ng panibagong pelikula niya kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez. 

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.