Andi Eigenmann, muling bibida sa isang horror movie

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2018 04:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Balik-horror movie ngayong 2018 si Andi Eigennman para sa pelikulang "All Souls Night" ng Viva Films.

Dito, makakasama ni Andi sina Alan Paule, Yayo Aguila at Lhian Gimeno. Mapapanood ang "All Souls Night" sa mga sinehan simula Oktubre 31 sa direksyon nila Aloy Adlawan at Jules Katanyag.

Tungkol ito sa isang caregiver na nagtatrabaho sa isang pamilya na takot na takot sa kanilang tatay.

Marami-rami na ring horror movie ang pingabidahan ni Andi tulad ng mga pelikulang "Pridyider" noong 2012 at "Tragic Theater" noong 2015.

Huling napanood si Andi sa pelikulang "The Maid In London" nitong Hulyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.