Shaina, excited dumalo sa international film festival sa Japan

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2018 10:50 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sa pagtatapos ng makapigil-hiningang seryeng "Asintado," isa sa lead characters si Shaina Magdayao na gumanap bilang Samantha del Mundo.

Saludo si Shaina sa kanyang mga nakatrabaho.
 
"It's actually been a pleasure working with my co-actors, isang taon din namin tinrabaho 'yun," aniya.
 
Walang bakasyon pero walang reklamo si Shaina sa magkakasunod na career blessings na dumarating sa kanya.

Kasama na rito ang pag-alis ng bansa para sa isang international film festival.

"After 'Asintado,' mukhang magpapahinga nang sandali. But end of October, I'm going to Tokyo International Film Festival to represent our film, 'yung ginawa namin ni Direk Lav Diaz," aniya.

Ibang level ng happiness kay Shaina na dalhin ang Pilipinas sa film festivals abroad kaya excited siya sa kanyang pag-alis.

"Bale it's going to be my second time na makasama sa isang international film festival. First was Berlin and then now naman, Tokyo International Film Festival," ani Shaina.

Inaasahan na positive reviews at posibleng mga parangal ang bitbit ni Shaina at ng Philippine delegation mula sa Tokyo, Japan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.