Dimples Romana, balik-kontrabida sa 'Kadenang Ginto'

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2018 12:33 PM

MANILA -- Matapos ang nakakatuwa niyang karakter bilang Babaylan Gloria sa "Bagani," balik sa pagiging kontrabida si Dimples Romana para sa seryeng "Kadenang Ginto."

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Dimples na hindi siya nagdalawang-isip sa pagtanggap sa bagong karakter.

"Naku hindi po [ako nagdalawang-isip]. Ako basta may trabaho, okay po sa akin," ani Dimples na gaganap bilang Daniela Mondragon sa "Kadenang Ginto." 

"Kasi I want to give my family, most especially my mom's family, a really good life. Kasi kung sa akin lang, my husband takes care of us naman. So I just want to be able to take care of my mom's family. So, kapag may trabaho, sige-sige lang po talaga ako. Hindi po ako namimili," paliwanag niya.

Ayon pa kay Dimples, bilang aktres ay mas gusto niyang mabigyan ang mga manonood ng bagong karakter.

"The best way to do it is really to make it a 360-degree kind of change para ibang-iba talaga, para may mao-offer ka na bago," aniya.

Huling naging kontrabida si Dimples sa seryeng "Greatest Love" kung saan ginampanan niya ang karakter na si Amanda, na nakapagbigay sa kanya ng maraming parangal. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.