Lance Busa, bibida sa Asian tour ni Michael Bolton

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2017 12:15 PM

MANILA -- Hindi naitago ni Lance Busa mula sa Butuan City ang kasiyahan bilang kampeon sa international singing competition na "Bolt of Talent."

Ayon kay Lance, 22, ang "Bolt of Talent" na ginawa ni Michael Bolton ang kauna-unahang international talent search na sinalihan niya at nagpabago sa kanyang buhay.

"Hindi ko first time na sumali sa competition but this is the first international competition that I joined. It was the most fulfilling experience after so many challenges. After ng maraming pinagdaanan sa buhay. I wouldn't expect na this one more chance will be given to me and the could make me feel better for myself as a singer because this is what I want to do and I'm close to not doing it anymore kasi papupuntahin na ako abroad, papatrabahuin na ako abroad, para sa safe na ako sa future kumbaga," ani Lance sa panayam nito sa "Umagang Kay Ganda" (UKG).

Sa ngayon ay abala si Lance sa gagawing Asian tour kung saan makakasama niya si Michael Bolton at Morissette Amon.

Maliban sa Pilipinas ay tutungo sila sa Thailand, Singapore at Malaysia.

Para sa mga manonood ng "UKG," inawit naman ni Lance ang "That's What Love Is All About."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.