Markus Paterson, dumalo sa birthday party ng ama ni Janella

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2019 02:15 PM | Updated as of Oct 02 2019 04:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Dumalo ang aktor na si Markus Paterson sa birthday celebration ng ama ni Janella Salvador.

Kumalat sa social media ang retrato ng dalawa kasama ang ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador sa isang birthday dinner.

Kamakailan lang ay dumalo rin si Janella sa birthday celebration naman ng ina ni Markus.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Janella at Markus sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

-- Umagang Kay Ganda, Oktubre 2, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.