PANOORIN: Shaina, sumabak sa 'Star Patrol'

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2018 09:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinatunayan ni "Asintado" star Shaina Magdayao na hindi lang siya pang-noontime drama kundi maging sa primetime newscast ay mayroon din siyang ibubuga.

Sumabak nitong gabi ng Martes si Magdayao sa paghatid ng balitang showbiz sa "TV Patrol."

Bilang guest Star Patroller, si Magdayao ang nagpakilala ng mga ulat ukol sa Pinay-Italian model na si Ambra Gutierrez, trailer o pasilip ng pelikulang "X-Men: Dark Phoenix," at pagpalag ng ilang dumalo sa ABS-CBN Ball sa mga pumuna sa kanilang mga kasuotan.

Narito ang ilang behind-the-scenes photos ni Magdayao:

Mark Demayo, ABS-CBN News

Mark Demayo, ABS-CBN News

Mark Demayo, ABS-CBN News

Mark Demayo, ABS-CBN News

Sa dulo ng newscast, inanyayahan ni Magdayao ang mga manonood na subaybayan ang mga huling pangyayari sa "Asintado," na nakatakdang magwakas sa Biyernes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.