Iza Calzado, dumalo sa Milan Fashion Week

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 09:11 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Dumalo sa Milan Fashion Week ang aktres na si Iza Calzado.

Ito ang unang beses na makapunta ang aktres sa Milan.

Kuwento niya, kahit na kasama siya noon sa pelikulang "Milan" at gumanap bilang asawa ni Piolo Pascual sa Maynila naman kinunan ang kanyang mga eksena.

Bukod sa pagdalo niya sa Fashion Week, nag-enjoy din ang aktres sa pamamasyal sa Milan.

-- Umagang Kay Ganda, Setyembre 27, 2019