Darren Espanto, may pakiusap sa kanyang fans

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 04:12 PM

MAYNILA -- Hindi itinanggi ng Kapamilya singer na si Darren Espanto na malapit sila ngayon ng kapwa singer na si Jayda Avanzado.

Sa naging pagbisita ni Darren sa "Tonight With Boy Abunda," isa sa naging tanong sa singer kung nanliligaw na nga ba siya kay Jayda.

Watch more in iWant or TFC.tv

"No, not yet," sagot niya sa tanong ni Boy Abunda.

At kahit hindi pa umaabot sa ligawan, hindi rin isinasara ni Darren ang posibilidad na ligawan nga niya ang nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

"I feel like 'pag nasa tamang edad na and we all know what we want," aniya pa.

Dahil sa pagiging malapit ng dalawang singer, nanawagan rin si Darren sa ilan sa kanyang mga fans na respetuhin ang mga taong nagiging malapit sa kanya.

"Sana po, respeto lang kay Jayda and to her family, and sa everyone who I hang out with, 'yung mga friends ko po... I'm not talking about my fans in general, pero (may mga ilan.) In showbiz I feel people will tell you who you should be friends with, who you shouldn't be friends with and it's hard for us kasi minsan ang awkward na 'yung situation kapag nagkikita," sabi pa ni Darren.

"So I think, everyone should respect everyone's personal life rin," pahayag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.