Sharon Cuneta, kinuwento kung paano nagsimula ang pagkahumaling kay Gong Yoo

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2018 07:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Isa si Sharon Cuneta sa mga aminadong fan hanggang ngayon ng Korean superstar na si Gong Yoo.

Sa kasagsagan ng promotion ng kanyang "My 40 Years" anniversary concert, ibinahagi ni Megastar kung paano siya nag-umpisang mahumaling sa bida sa K-drama na "Goblin."

Ayon pa kay Sharon, suportado din siya ng kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan sa kanyang dumaraming koleksyon ng mga memorabilia na may mukha ng kanyang idol.

"Cute 'yung asawa ko. He's very understanding, pati 'yung mga post ko tungkol sa exes ko, wala siyang... secure na secure," ani Sharon.

Inamin din ni Sharon kabilang sa kanyang koleksyon ang isang standee, unan at 'di mabilang na mga memorabilia na may mukha ni Gong Yoo.

Pangarap din niya na makaharap balang araw ang kanyang idolo at makasama pa sa isang proyekto.

"Sana manuod siya ng concert ko, wow! Sana makagawa kami ng movie; ako na ang ate niya. O kaya ako sasanla ko na si Kiko, ako na magpo-produce (laughs) Alam niya kasi na hindi ako papatulan ni Gong Yoo," pahayag pa ni Sharon.

Sa ngayon, abala si Sharon sa nalalapit niyang concert sa Setyembre 28, sa Araneta Coliseum bago simulan ang kanyang bagong pelikula kasama si Richard Gomez at Kathryn Bernardo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.