'Sorry kasi napagod ako': Angelica, Carlo, nag-sorry sa isa't isa

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 12:16 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Humingi ng paumanhin sa isa't isa ang dating magkasintahang sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Inihingi ni Panganiban ng tawad na tila napagod siya sa relasyon nila ni Aquino.

Humingi naman ng tawad si Aquino dahil sa palagay niya ay kasalanan niya kung bakit napagod si Panganiban.

Tumagal ng anim na taon ang relasyon nina Panganiban at Aquino, na dating magkapareha sa iba't iba nilang proyekto.

Sila ang bibida sa inaabangang hugot movie ng taon na "Exes Baggage."

Dito, iikot ang kuwento sa dating mag-ex na gagampanan ng real-life ex-couple.

Sa huling mga ulat, hindi itinatangi ng dating magkarelasyon na mas naging close na sila ngayon si bilang magkaibigan. 

Sa darating na Setyembre 26, mapapanuod ang "Exes Baggage" sa direksyon ni Dan Villegas.