Maja Salvador, nagbigay-daan para kay Janella Salvador sa 'The Killer Bride'

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 03:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi problema para sa "The Killer Bride" star na si Maja Salvador ang tila pagiging supporting character niya para sa karakter ni Janella Salvador sa tumitinding eksena ng programa.

Sa naging panayam kay Maja sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, nilinaw ng Kapamilya star ang tila pagbibigay daan ng kanyang karakter na si Camila Dela Torre sa karakter ni Janella na si Emma.

"'Yung totoo, I don't mind talaga kasi alam ko 'yung kuwento simula umpisa pa lang... And ang totoo naman din hindi magiging successful ang isang show dahil sa iisang artista. Magiging successful ang isang show kung magtutulungan lahat, kung bibigyan mo lahat ng magagandang eksena ng magagandang istorya," sabi pa ni Maja.

Ayon pa sa Kapamilya actress, gusto rin niya na magningning si Janella sa kanyang karakter. 

Watch more in iWant or TFC.tv

"Aminin naman natin, si Janella Salvador, isa siya sa mga 'It' girl ngayon na isa sa mga hinahangaan ng mga kabataan. And kinausap din namin siya na ito ang time niya to shine. Parang, kung may mga serye ka before na hindi mo napapakita kung ano ang talento mo, ito ngayon," ani aktres.

Bukod dito, labis na pasasalamat rin ang ipinaabot ni Maja sa mga manoood ng "The Killer Bride" para sa mainit na pagsuporta sa kanilang programa.

"Sobrang grateful po ako kasi, minahal nila 'yung character ko ngayon na si Camila Dela Torre, ang sarap sa pakiramdam na ang tawag na nila sa akin Camila."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.