PANOORIN: Jake Cuenca, nagbigay-reaksiyon sa isyu nina Maxine at Kylie

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 04:29 PM | Updated as of Sep 19 2019 08:05 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

MANILA -- Nagbigay ng kanyang saloobin ang aktor na si Jake Cuenca sa isyung kinasasangkutan ng kanyang nobya na si Kylie Verzosa at kapwa kasamahan nila sa "Los Bastardos" na si Maxine Medina. 

Matatandaang kamakailan lang ay umingay ang balitang di umano'y dinuraan ni Kylie si Maxine sa isang eksena sa nasabing serye kahit hindi ito iniutos ng direktor.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nitong Miyerkoles, sa press conference para sa nalalapit na 
pagtatapos ng "Los Bastardos," nagbigay-reaksiyon si Jake sa nangyari sa dalawa.

Ani Jake, sang-ayon siya na kailangang mapag-usapan ng mga aktor ang gagawin sa isang eksena.

Pero aniya, minsan din ay nadadala lang talaga ang isang artista sa eksena kaya nakakagawa ito ng bagay na hindi naman niya sinasadya. 

"Minsan sa eksena, mayroon kang nagagawa na extra, mayroon kang nagagawa na hindi kanais-nais na hindi mo sinasadya. Hindi namin intensiyon na manakit, hindi namin intensiyon na mambastos, pero at the end of the day in character ka," paliwanag ng aktor.

Dagdag niya:"Maganda rin naman at may natutunan silang dalawa rito. Parehas silang bago pa sa industriya. Max, pangalawang soap mo pa lang. Kylie, first soap mo pa lang. At the end of the day, hindi naman kami inuupo bago ng show at tinuturuan ng etiquette na maging artista, wala naman. It's not something that's taught. Wala namang eskuwelahan talaga na nagtuturo sa iyo na 'ito, dapat ganito sa eksena.' You just figure it out, natututunan mo while doing [the scene]."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on

Ayon kay Jake, parehong magaling na aktres sina Maxine at Kylie. 

At sa kabila ng nangyari, malaki ang naiambag ng dalawa sa "Los Bastardos."

"Masasabi ko naman na for both girls, napakahusay nila. At the end of the day 'yung mga eksena nila, I think 'yung highlight nila, nagsabunutan sila, 'yun pa yung nag-20 [percent], 'yun pa ang isa sa pinakamataas na rating namin," aniya.

"I'm very proud of both them, especially obviously Kylie [because she] is my girlfriend," patuloy niya. "I'm proud of her for what she has done... I have nothing but kind words for everyone in the cast."

Sa hiwalay na panayam, iginiit nina Kylie at Maxine na nais na nilang tuldukan ang nasabing isyu.

Ayon pa sa dalawa, bukas sila na muling magkasama sa iba pang proyekto sa hinaharap.

Sa ngayon ay nasa huling dalawang linggo na ang "Los Bastardos" na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.