Mga kaibigan ni Beauty Gonzalez, balak din bang lumabas sa 'Kadenang Ginto'?

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 03:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Una nang gumawa ng cameo sa "Kadenang Ginto" sina Bea Alonzo at Angel Locsin na mga kaibigan ni Dimples Romana, isa sa mga bida ng serye.

Dahil dito, natanong din ang isa pang bida ng "Kadenang Ginto" na si Beauty Gonzalez kung may balak siyang imbitahang mag-cameo ang kanyang mga kaibigan.

Kilalang malapit kay Beauty si Ellen Adarna, na napapabalitang magbabalik-showbiz na.

"Don't expect them," tuwirang sagot ni Beauty. 

"I will give you a straight answer. Don't expect my friends. I am sorry. I would them them to go, but no," dagdag niya. 

Para kay Beauty, labis ang pasasalamat niya sa tagumpay ng "Kadenang Ginto."

"Sobrang thankful ako kasi siyempre the support and the love that people are giving us, tumatagal ang 'Kadenang Ginto.' Marami pa kayong aabangan na kalokang eksena," aniya.

Mapapanood ang "Kadenang Ginto" mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng "It's Showtime."
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.