Barbie Imperial, nililigawan na nga ba ni JM de Guzman?

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2018 12:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Naging bukas ang aktres na si Barbie Imperial sa lagay ng kanyang puso, ilang buwan matapos ang balitang paghihiwalay nila ng kanyang nobyo.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, aminado si Barbie na patuloy pa ring naghihilom ang kanyang puso.

"Siguro magsisinungaling ako kung sasabihin ko na na naka-move on na ako na super move on na. Paunti-unti po, getting there," ani Barbie.
 
Ayon kay Barbie, nakakatulong ang kanyang pagiging abala sa trabaho at ang aktor na si JM de Guzman para sa kanyang pagmo-move on.

Si JM ang leading man ni Barbie sa sikat na seryeng "Araw Gabi."

"Si JM talaga, hindi lang siya parang love team lang eh. Pareho kami, kapag may problema kami sinasabi namin sa isa't isa. Kung gusto namin. Kasi ang workshop namin parang alam na namin ang mga sekreto namin, hugot namin. So nagkakaroon ng times na kapag sobrang down kami, nag-uusap talaga kami," ani Barbie.

Paglilinaw naman ni Barbie, hindi siya nililigawan ni JM.

"Siyempre po kaka-break ko lang eh. Parang ang pangit po na magpaligaw ako agad. Saka hindi ba kapag kaka-break niyo lang po may something pa rin sa sarili mo na 'yung dati pa rin. Hindi naman na mahal mo pa rin siya. Parang ang tagal niyo kasi na naging kayo. So, kung magpapaligaw ka sa iba, feeling ko sa akin hindi siya magwo-work talaga. So kawawa naman 'yung guy. So, kailangan muna mag-heal talaga," paliwanag ni Barbie.

Dagdag ng aktres, alam ni JM ang lagay ng kanyang puso at nagbigay payo pa ito sa dapat niyang gawin.
 
"Siya nga mismo ang nagsasabi sa akin na 'oy, huwag muna, mag-heal ka muna,'" ani Barbie na aminado ring tulad ng iba ay kinikilig siya sa katrabahong aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.