Kisses Delavin, handa na nga bang ipakilala ang bagong ka-love team?

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 01:19 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

MANILA -- Hindi isinasara ng dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Kisses Delavin ang tila pagkakaroon niyang muli ng bagong ka-love team.

Sa naging panayam kay Kisses sa naganap na 2019 ABS-CBN Ball, ibinahagi ng Kapamilya star ang mainit na inaabangan ngayon ng kanyang mga fans -- kung sino na nga ba ang kanyang magiging kapareha sa kanyang tinatapos na pelikula.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

"Well, there's gonna be a lot of changes. Pero what I can say right now is I'm thankful for my supporters, and I hope they trust everything that I decide upon. And I hope they're always happy and there for me," aniya.

Hindi man daw nagkikita ngayon, sinabi ni Kisses na nananatili silang maayos ng dating ka-love team na si Donny Pangilinan.

"I think pag magkita naman kami, civil naman kami sa isa't isa," dagdag niya.

Matatandaan na kamakailan, inanunsyo ni Kisses sa kanyang Instagram ang pagtatapos ng kanilang tambalan ni Donny Pangililan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

Kasabay ng kanyang pag-aaral, tinatapos din ni Kisses ang isang pelikula na inaasahan na mapapanood bago magtapos ang taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.