JM De Guzman, nagpasalamat sa papuring natanggap sa 'Pamilya Ko'

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 02:57 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

MANILA -- Isa si JM De Guzman sa mga bituin na solong rumampa sa naganap na 2019 ABS-CBN Ball.

Naninibago man, mas okay daw para sa aktor na mag-solo na lang muna sa ngayon.

"Kasi 'pag may kasama ka, bibitbitin mo 'yung gown at 'yung kamay, mas okay na bitbit ko lang ang sarili ko," pabirong sabi niya sa panayam.

Dahil solo rin ngayon sa kanyang mga ginagawang proyekto, nagpasalamat din ang aktor para sa mga positibong komento na
natatanggap niya para sa kanyang bagong Kapamilya series na "Pamilya Ko".

Watch more in iWant or TFC.tv

Aniya, gusto niyang ipakita sa ABS-CBN management na malaki ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

"Thankful po ako sa mga nare-receive ko na reviews, especially from the management. 'Yun naman din po kasi ang gusto kong gawin and mangyari, ang ibigay ang best ko and to prove them na I'm grateful, really grateful, for the opportunity," aniya.

Bukod sa "Pamilya Ko", isang pelikula rin sa Cinema One Originals ang pagbibidahan ng aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.