Barbie Imperial at Ina Raymundo, bibida sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 12:25 PM

MANILA -- Bibida sa ABS-CBN drama anthology na "Maalaala Mo Kaya" (MMK) sina Barbie Imperial at Ina Raymundo.
 
Gagampanan ni Barbie ang mapangahas na si Maria, anak ni Sally na karakter naman ni Ina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

Sa Instagram, ibinahagi ni Barbie ang kaba sa kanyang pinakabagong pagganap sa "MMK."

"Eto na! Kinakabahan ako... Pero sana mapanood niyo po ang pinaghirapan namin," aniya.

Abangan ang pagganap nina Barbie at Ina sa "MMK" ngayong Sabado, Setyembre 21, pagkatapos ng "The Voice Kids."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.